WALANG dapat ikabahala ang mga maliliit na operators at tsuper ng pampasaherong jeep sa pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Enero dahil mamamahagi ang pamahalaan ng P20,000 bawat isa sa kanila. Ang P20,000 ay siyang laman ng proyektong “Pantawid Pasada” ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB). Sa Enero, ipatutupad na ng Department of Finance (DOF) ang karagdagang P2 excise tax sa li-tro ng produktong petrolyo alinsunod sa implementasyon ng ikalawang tranche ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Isa pang dahilan na nakikitang magtutulak pataas…
Read More