LIBRENG BANGKA SA MANGINGISDANG NAVOTEÑO

Mayor John Rey Tiangco-8

(Ni CHE ALMADIN)

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga bangkang gawa sa fiberglass at mga lambat sa walumpong mangingisda ng lungsod.

Ipinamigay ang libreng bangka na may 18 HP engine ngayong Lunes sa mga kwalipikadong benepisyaryo (mga mahihirap, ngunit rehistradong mangingisda sa lungsod) ng “NavoBangka-buhayan Program.”

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang mga bangka ay ibigay sa mga mangingisda upang magkaroon sila ng regular na pagkakakitaan.

Ngunit, huwag kalimutan ng mga mangingisda na maging responsable sa pangingisda at in-gatan ang karagatan, saad ng alkalde.

14

Related posts

Leave a Comment