P24.5B PONDO IBINALIK NG SENADO SA DOH

doh

(Ni NOEL ABUEL)

MAGANDANG balita ang hatid ng Senado para Department of Health (DOH) makaraang ibalik ang pondong laan para sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) at Human Resource for Health (HRH) ng ahensya.

Sa ginanap na budget deliberation, inirekomenda ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ibalik ang P24.5 bilyon na tinanggal sa budget ng DOH.

Kabilang dito ang P16.4 bilyon  para sa   HFEP at  P7.1 billion para sa HRH o para sa sahod ng may 26,000 health workers.

Tinanggap naman ni Senador JV Ejercito, sponsor ng panukalang budget ng DOH, ang rekomendasyon ni Drilon kasabay ng pagpapasalamat sa minority leader.

Ayon kay Ejercito ito ay malaking tulong para sa sisimulang implementayon ng Universal Health Care Program sa buong bansa.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na prayoridad sa ibabalik na pondo ang mga health facilities na 70% hanggang 90% nang kumpleto ang konstruksyon.

Subalit, wala umanong bagong mga health facilities na itatayo ngayong taon at sa halip ay ima-maximize na rin ang gamit ng mga private health facilities sa ilalim naman ng UHC.

 

6

Related posts

Leave a Comment