P25-B BORACAY ACTION PLAN APRUB KAY DU30

boracay12

(NI BETH JULIAN)

APBRUB na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P25 billion Boracay Medium Term Action Plan.

Sa presentation nina NEDA Director General Secretary Ernesto Pernia at Undersecretary Adoracion Navarro sa idinaos na Cabinet meeting Lunes ng  gabi, iniharap ang apat na tema ng action plan.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng mga batas o regulasyon para sa pagtanggap ng mga bisita sa Boracay at mga bisita para sa hotel accommodation.

Kailangan din magkaroon ng intervention ang gobyerno sa sewerage infrastructure at sa solid and liquid waste management.

Dapat ding magpatupad ng rehabilitasyon at recovery ng ecosystem habang kailangang mapanatili ang mga aktibidad sa isla sa pamamagitan ng pagpapahusay pa sa mga kalsada at public health infrastructure, konstruksyon ng permanent housing program para sa mga katutubo at maging ng educational facilities.

Matatandaan na ipinasara ni Pangulong Duterte noong nakalipas na taon ang Boracay dahil nasalaula ito nang todo kaya isinailalim sa konstruksyon bago muling binuksan at nagpapatuloy pa rin ang pagsasaayos nito hanggang sa kasalukuyan.

247

Related posts

Leave a Comment