P25K CASH GIFT SA 85-ANYOS ‘DI TINUTULAN SA KAMARA

old

(NI BERNARD TAGUINOD)

INAPRUBAHAN sa committee level sa Maabang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang simulan ang cash gift sa mga 85-anyos na mga Filipino at magpapatuloy ito hanggang sa makaabot ang mga ito sa 100 anyos.

Walang tumutol nang isalang sa House committee on senior citizens ang substitute bill na nag-aamyenda sa Republic Act (RA) 10868 o mas kilala sa Centenarians Act of 2016 na naglalayong hindi lang ang mga 100 anyos ang makakatanggap ng cash gift.

Base sa inaprubahang panukala, makakatanggap ng P25,000 na cash gift ng mga Filipino pagtuntong ng mga ito sa edad 85-anyos at karagdagang P25,000 pagdating nila sa edad 95-anyos.

Binago ang unang panukala na P25,000 lang ang ibibigay sa mga Filipino pagdating sa edad 95 dahil gagawin na itong P50,000 at kapag umabot na ang mga ito sa centennial age o 100 taong gulang ay buong-buong matatanggap ng mga ito ang P100,000.

Sa ilalim ng RA 10868, tanging ang mga Filipino na aabot sa edad 100 taong gulang ang makakatanggap ng P100,000 cash gift subalit dahil kokonti lang ang mga ito ay sisimulan nang bigyan ang mga senior citizens ng cash gift pagtungtong mga ito sa edad 85 anyos.

Lumabas sa statistic na hawak ng komite na 205 lamang sa 100 milyong Filipino ang umaabot sa edad 100 dahil 69.4% lang ang life expentancy ng mga Filipino.

Hindi naglabas ang komite ng datos kung ilang Filipino ang umaabot sa edad 85 hanggang 95 anyos subalit mas marami umano ito kumpara sa mga umaabot sa 100 anyos.

“Very few people reach the centenarian age and if they reached it, they were not able to enjoy the privilege accorded to them by law due to health deterioration,” ani Baguio City Rep. Mark Go sa kanyang panukala.

7

Related posts

Leave a Comment