DILG: ARMED FORCES NALUSUTAN SA JOLO BOMBING

jolo1

(NI LUISA LEIGH NIEZ)

KAPABAYAAN  umano  security ang itinuturong dahilan sa  naganap na  magkasunod na pambobomba sa  Mt. Carmel Cathedral  sa Jolo, Sulo kung saan ay  umabot na sa 21 ang namatay.

Ito ang pag-amin ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año , isang araw  matapos ang   magkasunod na pagsabog sa  pinakamalaking  Catholic church  sa Sulu  kung saan umabot na sa 21 katao ang namatay at ikinasugat ng 91  katao.

Ayon  pa rin sa kalihim,  nalusutan umano ng mga terorista ang  inilagay na  securirty measures ng Armed Forces  sa nasabing cathedral.

“Hindi pa natin nabubuo yung buong picture. Ang masasabi lang natin  sa ngayon ay nakalusot yung dalawang bomba sa security protocol natin,” ang sabi ng Ano.

Ayon sa dating  chief ng  Armed Forces of the Philippines, ipinatupad  ang  security measures sa nasabing simbahan  sa kadahilanang  under threat ito noong nakaraang taon pa.

“Because of the threat since last year, nagkaroon na tayo ng nagbabantay diyan sa gate ng cathedral,”  ang sabi ni Año.

Sa imbestigasyon ay  lima sa mga namatay ay  mga sundalong naka- assign  na mag bantay sa nasabing cathedral .

Ayon naman kay PNP Chief, , Director General Oscar Albayalde, may mga natagpuan umanong  mga shrapnel  ng mga bombang ginamit sa layong 500 feet mula sa  pinasabog na simbahan.

“Parang GI (galvanized iron) sheet na parang pinanggagawa ng stainless jeep ang kanilang ginamit,  It’s probably as big as a container, canister ng mga gatas, two kilos, something like that,” ang sabi ni Albayalde .

114

Related posts

Leave a Comment