P3.3-B HALAGA NG NAPINSALANG ISKUL SA LINDOL — DEPED

deped25

(NI KEVIN COLLANTES)

INIULAT nitong Martes ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng Department of Education (DepEd) na mahigit 1,000 paaralan na ang iniulat na napinsala ng magkakasunod na malalakas na lindol sa Mindanao noong Oktubre.

Batay sa pinakahuling datos ng DepEd-DRRMS, tinatayang aabutin ng P3.3 bilyon ang halaga ng mga may 1,047 na paaralan na napinsala ng lindol.

Nabatid na ang Soccsksargen region umano ang nakapagtala ng may pinakamaraming pinsala na umabot sa 670 schools, na sinundan naman ng Davao region na may 274 paaralan, Northern Mindanao na may 82 at BARMM na may 21 nasirang paaralan. Sinabi naman ng DepEd na mayroon na silang itinayong 757 temporary learning spaces (TLS) para sa mga estudyante ng 189 na eskwelahan sa Soccsksargen at Davao.

Kasalukuyan na rin umano silang nakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa inspeksyon sa mga napinsalang paaralan.

 

196

Related posts

Leave a Comment