NANGAKO si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na magbibigay ng RMB 5 milyon o aabot sa P38 para sa biktima ng Jolo cathedral blast, ayon kay Foreign Affairs secretary Teddy Locsin.
“Chinese Amb Zhao is donating 5 million RMB to the families of the blast victims in the Jolo Cathedral,” sabi sa tweet ni Locsin.
“Thank you so much. A friend in our grief is a friend indeed,” dagdag pa ni Locsin.
Umaabot na sa 21 katao ang namatay habang halos daan ang nasugatan sa twin blasts na naganap sa Our Lady Of Mount Carmen Cathedral sa Jolo, Sulu.
Kinondena ng iba’t ibang pinuno ng bansa ang pagsabog ngunit ang donasyon ni Zhao ang unang nailathalang government official na tutulong sa pinansiyal para madakip ang mga terorista.
Nangako rin ang ambassador na magpapatulong ang Beijing sa pagsuporta sa Pilipinas para makamit ang hustisya sa mga biktima ng pagsabog.
197