NAGKAROON ng sagupaan sa pagitan ng miyembro ng Ajang-Ajang ng Abu Sayyaf group na sinasabing nasa likod ng pagsabog sa Jolo cathedral noong Linggo ng umaga.
Sa statement, sinabi ng Armed Forces Western Mindanao Command (Wesmincom) na nagkaroon umano ng bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng 1st Scout Ranger Battalion at may 20 miyembro ng Ajang-Ajang sa ilalim ng Macrin sa Barangay Latih, Patikul, Sulu, bandang alas-7:20 Huwebes ng umaga.
Tumagal ng limang minuto ang bakbakan ayon sa Westmincom. Walang inulat na nasugatan sa panig ng militar.
Hanggang Huwebes ng umaga ay patuloy na tinutugis ng militar ang mga terorista.
Una ng iniutos ni Pangulong Duterte and all-out war laban sa mga Sayyaf matapos ang pagsabog.
214