UMENTO SA GOV’T EMPLOYEES TULOY!

gov1

WALANG dahilan para maudlot ang umento ng mga government worker sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) maipasa man daw o hindi ang panukalang 2019 national budget.

Ito ang paniniyak ni Senate Finance committee chair Loren Legarda matapos kausapin ni Budget Secretary Benjamin Diokno para sa salary adjustment ng mga government employees.

Idinagdag pa na sa Miscellaneous Personal Benefits Funds (MPBF) huhugutin ng gobyerno ang pondong gagawin sa ikaapat na bahagi ng SSL.

Kasabay nitom sinabi ni House Appropriations Committee chair Rolando Andaya Jr. na magiging moot and academic na ang mandamus case na inihain nila sa Korte Suprema matapos ilabas ang nakabimbing umento ng mga government employees. Inihain nina Andaya ang mandamus case na ito para himukin si Diokno na maglabas ng pondo mula sa MPBF.

5

Related posts

Leave a Comment