(NI BERNARD TAGUINOD)
NAIS ipadeklara ng mga mambabatas sa Kamara sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na reclamation-free zone ang Manila Bay upang hindi magsayang ng pera ang tax payers sa isinasagawang rehabilitation.
Isa ito sa nilalaman ng ihinaing House Resolution(HR) 2452 ng mga progresibong mambabatas sa Kamara sa pangunguna ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kahapon sa Kamara.
Ayon kay Casilao, walang silbi ang ang Manila Bay Rehabilitation na tinguriang “Battle of Manila Bay” kung sa bandang huli ay papayagan ang reclamation activities sa nasabing karagatan.
Base sa mga report, P40 bilyon ang pondong gagastusin sa Battle of Manila Bay na sinimulan na noong linggo sa pamamagitan ng paglilinis sa nasabing karagatan sa Roxas Blvd.
“There is no moral integrity for the rehabilitation, until it has declared Manila Bay as “reclamation-free zone or decisely barred o disapproved 43 on going and pending reclamation projecrts,” bahagi ng resolusyon.
Sinabi ng mambabatas na aabot sa 32,000 ektarya sa Manila Bay ang tatamaan sa reclamation projects na kinabibilangan ng 1,435 ektarya para Las Pinas-Bacoor Road Widening Projects kung saan 5,000 pamilya ang maapektuhan sa Bacoor City.
Umaabot din umano sa 2,980 ektarya sa karagatan ang tatabuhan para sa Sangley Point International Aiport projects kaya aabot sa 26,000 ang pamilya sa Cavite ang apektado at sisirain umano nito ang fishing ground sa Cavite City, Noveleta, Bacoor City at Rosario Cavite.
Tinatayang 650 ektarya naman sa karagatan ang tatabunan para sa itatayong Navotas Blvd Businesspark habang 2,500 ektarya naman ang irereclaim para sa Aeropolis International Airport projets sa Bulacan
Magkakaroon din umano ng reclamation projects ang San Miguel Corp., na aabot sa 2,400 ektarya habang 600 ektarya naman sa reclamation project ng SM Land Inc sa Paranaque City.
Mayroon din umanong 148 ektaryang reclamation project na joint venture umano ng Solar City ng Tieng Famiy at Goldcoast Development Corp at local government ng City of Manila.
May joint venture reclamation project din umano SM Prime Holdings Inc., ang local government ng Pasay City na aabot ng 360 ektarya at 265 ektarya naman ang pagsasamang proyekto para sa Pasay Harbor City ng negosyanteng to Dennis Uy at local government ng Pasay City.
206