P43-M INSURANCE IBINIGAY SA APEKTADONG MAGSASAKA NG EL NINO

EL NINO12

(NI ABBY MENDOZA)

UMAABOT sa P43-M insurance na ang naipamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa 3,543 apektadong magsasaka sa regions I, III, IVA, VI at X sa harap ng dinaranas na El Nino phenomenon.

Nagpapatuloy pa rin umano ang pagproseso ng dokumento sa mga lugar na idineklarang state of calamity dulot ng El Nino gaya ng Rizal, Occidental Mindoro, Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Cotabato, Maguindanao, Negros Occidental, ayon pa sa DA.

Kasabay nito, nasa P5 bilyon na ang pinsala sa agrikultura sa nararanasang tagtuyot dala ng El Nino Phenomenon at aminado ang  DA na tataas pa ang halaga nito lalo at buwan ng Abril at Mayo ang peak ng panahon ng tag init.

Sa ipinalabas na bulletin ng DA- Disaster Risk Reduction and Management Office lumilitaw na 177,743 agricultural areas at nasa 164,672 magsasaka sa buong bansa ang apektado.

Aminado ang DA na bagamat mayroong ilalatag na solar-powered irrigation systems ay hindi naman agad agad na maipatutupad.

Sa sektor ng mais ay nasa P2.36B ang nasira sa may 17 lalawigan.

Nasa 37 lalawigan na nagtatanim ng palay ang apektado o aabot sa P2.69B, kabilang dito ang CAR, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao region, Socsksargen at  BARMM.

Nasa P95.875 million financial assistance na ang naibigay ng   Agricultural Credit Policy Council (ACPC) sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program kung saan  3,835 magsasaka ang nabigyan ng ayuda. Aminado na ang DA  na tuluy-tuloy ang gagawing cloud seeding operation kung wala pa ring mararanasang pag uulan upang bahagyang mabawasan ang pinsala sa pananim.

204

Related posts

Leave a Comment