PULIS, SUNDALO NA ‘GOONS’ NG POLITIKO BINALAAN NI DU30

PNP100

(NI BETH JULIAN)

MAHIGPIT na nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mananagot sa kanya ang mahuhuli nitong sumusuporta at nagsisilbing ‘goons’ sa mga tumatakbong kandidato ngayong May 2019 elections.

Kaya nanan pinayuhan ng  Pangulo ang mga sundalo at pulis na manatiling neutral o nasa gitna at huwag papanig kaninuman sa mga tumatakbong kandidato.

Binigyan-diin ng Pangulo na hindi trabaho ng mga sundalo at pulis na magsilbing ‘alalay o goons’ ng mga politiko dahil ang trabaho ng mga ito ay magpanatili ng law and order o magpatupad ng batas, kaayusan nang walang takot at kinakampihan.

Ayon sa Pangulo, sa halip ay iniutos nito sa mga pulis at sundalo na magsilabas at paigtingin ang pagwasak o pagbuwag sa mga organized crime group at mga sindikato ng ilegal na droga pati na ang mga organized kidnapping syndicate.

335

Related posts

Leave a Comment