P750 NATIONAL MINIMUM WAGE BILL INAAMAG SA KAMARA

wagebill12

(NI BERNARD TAGUINOD)

INAAMAG sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para itaas sa P750 ang minimum wage, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa buong bansa dahil hindi ito pinansin ng liderato ng Kongreso.

Ito ang napag-alaman kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao dahil mula nang ihain ang kanilang House Bill 7787 o P750 National Minimum Wage noong Mayo 30, 2018 ay hindi nagkaroon ng kahit isang pagdinig sa House committee on labor.

“Wala kahit isa (hearing). Ang status ay na-endorse na sa committee on labor pa rin after one year,” pahayag ni Casilao.

Naniniwala ang mambabatas na malaki ang kinalaman ng mga employers at mga negosyante kung bakit hindi umuusad ang nasabing panukala sa Kongreso.

“As per experience of previous bills legislating for increase of wages, ECOP (Employers Confederation of the Philippines) has been consistent in opposing or lobbying against the measure,” ani Casilao.

Ayon sa mambabatas, mahalaga ang nasabing panukala para sa mga manggagawa sa buong bansa dahil hindi na umano kasya ang P537 na minimum wage sa Metro Manila dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo publiko.

Mas  mababa naman ang  ang sinasahod ng mga obrero sa ibang rehiyon na, ayon kay Casilao, ay hindi nagkakalayo ang gastos ng mga manggagawa sa Metro Manila sa taga-probinsya.

Sinabi naman ni Bayan Muna chair Neri Colmenares na panahon na para ang Kongreso na ang magtakda ng minimum wage upang lahat ng mga employers ay sumunod sa batas.

Noong 1989, ipinaubaya ng Kongreso sa mga regional wage board ang pagpapasya sa sahod ng mga manggagawa sa bawat rehiyon upang ma-enganyo umano ang mga negosyante na maglagak ng mga puhunan sa mga rehiyon.

“Decades of allowing regional wage boards to set minimum wages have eroded the real incomes of workers and it is time for Congress to step in and give workers a substantial increase in wages and salaries,” ani Colmenares.

 

 

88

Related posts

Leave a Comment