P9.2B KINITA SA RICE TARIFFICATION LAW, IBINIDA

(NI ABBY MENDOZA)

IBINIDA ng Department of Agriculture (DA) na aabot sa P9.2 B  ang nakolektang taripa mula sa mga iniaangkat na bigas mula sa ibang bansa.

Sa pagtatanong ni Albay Rep. Edcel Lagman sa budget briefing ng DA sa Kamara, sinabi ni Agriculture Secretary  William Dar na simula nang maipatupad ang Rice Tariffication Law(RTL) na nagtatanggal sa Quantitave Restriction (QR) ng mga iniaangkat na bigas ay bilyon na ang nakokolektang taripa mula sa mga rice imports.

Ang nasabing halaga ay sa unang dalawang quarter pa lamang ng taon at bago matapos ang 2019 ay papalo pa ito ng hanggang P P15 bilyon.

Samantala, nilinaw ni Dar na sa gitna ng pagbaba ng presyo ng kada kilo ng palay ngayon sa merkado ay sa bandang huli ay ang mga magsasaka pa rin ang makikinabang dahil na rin sa pagpapatupad ng RTL.

Ginagarantiya umano sa RTL na P10 billion  kada taon na halaga ng Rice Enhancement Competitive Fund (RCEF) ang ibibigay na ayuda sa mga magsasaka bilang pangunahing apektado ng RTL.

Noong Agosto lamang aniya  nailabas ang special release order (SARO) para sa paunang P5 bilyon na RCEF kaya hindi pa ito naipamamahagi sa mga magsasaka subalit sa oras na umano na maipamahagi ito ay malaking tulong sa mga magsasaka.

 

 

176

Related posts

Leave a Comment