PAALALA NG COMELEC: IWASAN ANG OVER VOTING

over123

(NI HARVEY PEREZ)

IWASAN ang  ‘over voting’.

Ito ang muling ibinabala ng Commission in Elections (Comelec) sa mga botante para hindi masayang ang kanilang boto  sa Mayo 13.

Sinabi ni Atty. Frances Arabe, director ng Comelec-Education and Information Division (EID), dapat na 12 ang senador lamang ang iboboto at hindi 13.

Kung mayroon naman,  isa lang ang dapat na i-shade at hindi dapat dalawa ang isi-shade sa balota.

Ipinaliwanag ni  Arabe na kung  magkakaroon ng over voting ay mangangahulugan ito ng pagkabalewala ng boto ng isang botante dahil hindi na ito bibilangin ng vote counting machines (VCMs).

Nilinaw naman ni Arabe na maaaring mag-undervote ang mga botante o di kaya’y huwag bumoto sa isang partikular na posisyon, at tatanggapin pa rin ng VCM ang kanilang balota.

Mas mainam umano kung magdala ng kodigo o listahan ng mga kandidato na kanilang iboboto pang makaiwas sa over voting.

79

Related posts

Leave a Comment