PABAHAY SA MGA SUNDALO, PULIS TINUPAD NI DUTERTE

TUPAD

(NI LILIBETH JULIAN )

TINUPAD  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinangako nito sa mga sundalo at pulis.

Ito ay matapos ihayag na ng Pangulo na mas maluwag na pabahay ang ipinamahagi nito sa mga kasapi ng PNP at AFP.

Kahapon ng hapon ay sinimulan nang ipamahagi ni Pangulong Duterte ang pabahay nito sa Pleasant View Residennces, Brgy. Graceville, San Jose del Monte, Bulacan.

Ipinakita ni Duterte sa mga mamamahayag ang model house o unit na matitirhan ng mga sugatang sundalo at pulis.

Mahigit 1,700 low rise unit ang nakatayong pabahay  sa nasa 6.18 hectare lot sa Barangay Garce Ville.

Sinasabing 100 unit dito ang ipamamahagi sa 50 benepisaryo ng pulis at sundalo.

Dito ay 35 sa wounded in action soldiers at 15 sa wounded in police operations ang unang mabibiyaan ng proyekto.

Lumalabas na tig-dalawang units ang mapupunta sa bawat isang beneficiary na pulis at sundalo na nangangahulugang mas malaki o mag maluwag na ito kumpara sa mga dating housing unit na ipinamimigay ng gobyerno.

Habang ang mga natitirang units ay inilalaan naman para sa iba pang benefeciaries ng informal settlers na nasa listahan ng HUDCC at NHA.

Kaya mahigpit na direktiba ng Pangulo sa NHA at HUDCC na laki-lakihan ang mga pabahay na ibabahagi sa mga sundalo st pulis.

Ang ilang mga dating maliliit na pabahay ng gobyerno ay ibinigay na lamnag sa ilang umokupang miyembro ng Kadamay sa Pandi, Bulacan.

 

 

196

Related posts

Leave a Comment