PAG-AARAL NG MGA KASAMBAHAY IPATUTUPAD

maid12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINILING ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga local officials lalo na mga opisyales ng barangay na siguraduhing nakakapag-aral ang mga kasambay sa kanilang nasasakupang lugar.

Ginawa ni House deputy minority leader Ron Salo ang nasabing kahilingan upang makatapos kahit sa senior high school ang mga kasambahay habang nagsisilbi sa kanilang amo.

Maliban sa mga barangay officials ay dapat din umanong kumilos ang mga principal at superintendent ng Department of Education (DepE) para alamin kung sinu-sino sa mga kasambahay sa kanilang area of responsibility ang hindi nakatapos ng senior high school upang maienroll ang mga ito.

“All kasambahay have the right to finish basic education, so DepEd must make sure they are enrolled. The law provides that host families-employers should see to it that their kasambahay finish up to senior high school,” anang mambabatas.

Nakasaad umano sa Kasambahay Law na may karapatan ang mga kasambahay na mag-aral kaya nararapat umanong ipatupad ang batas sa pamamagitan ng mga barangay officials.

Dahil dito, kailangang hawak umano ng mga barangay officials ang mga kontrata sa pagitan ng mga kasambahay at pamilyang kanyang pinaglilingkuran para matiyak na binibigyan sila ng pagkakataon na tapusin ang kanilang basic education.

254

Related posts

Leave a Comment