NANGAKO si Senador Robin Padilla na pagsisikapang maisakatuparan ang mga programa para sa Pagasa Island kasama na ang pag-develop dito bilang fishing hub.
“Kailangan ma-develop natin ang Pagasa Island para pag na-develop natin ito, ang mga civilian nandito talaga. Huwag na kayong umalis. Imbes na pakaunti kayo kailangan dumami kayo. At sana ang mga proyekto ng ating kaibigan si Dick Penson gawing fishing hub ito, ang lugar na ito magiging pugad ng mangingisda,” saad ni Padilla.
Ginawa ni Padilla ang pahayag sa kanyang pagbisita sa isla at iginiit na sa atin ang naturang teritoryo.
Sa kanyang pagbisita, isinulong ni Padilla ang pagpapatupad ng mga proyekto para sa mga Pilipinong nakatira roon, para hindi na sila kailangang umalis pa.
“Mga mahal kong kababayan, naniniwala po ako na napakalaki ng magiging papel ng istorya ng Pag-Asa island sa kasaysayan ng Pilipinas. Atin po ito. Huwag po nating hayaang maangkin ito ng kung sino-sino lang,” giit ni Padilla.
“Mabuhay ang Pag-Asa! Mabuhay ang Pilipinas!” dagdag nito.
(Dang Samson-Garcia)
147