PAGASA NAGBABALA SA PEKENG FB PAGE

pagasa rains

(NI ABBY MENDOZA)

BINALAAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko laban sa pekeng Facebook page na”Dost_PAGASA Visayas,” na naglalabas ng pekeng Haze Bulletin.

Ayon sa Pagasa, nagkakalat ng maling impormasyon ang nasabing FB page kaugnay sa usok na nangaling sa Indonesia forest fire na nakarating na sa Cebu at ang  nasabing bulletin ay nai-share pa sa iba’t ibang social media sites.

“Pagasa has not issued any such bulletin, because haze-related advisories are handled by the Environmental Management Bureau (EMB) of the Department of Environment and Natural Resources (DENR)”ayon sa PAGASA.

Lumilitaw na ang pekeng  “Dost_PAGASA Visayas” Facebook ay mayroong 65,000 followers at may 63,000 pa ang naglike dito.

“Maaaring magresulta sa maling aksiyon ang ano mang mabasa natin sa social media. Kaya siguraduhin po natin ang kredibilidad ng mga impormasyong ating isini-share, pati na din ang pinanggalingan ng mga ito,” paliwanag  PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez.

Para masiguro na tama ang impormasyong nakukuha, siguraduhing tama ang website, ang official account ng Pagasa ay

Website: bagong.pagasa.dost.gov.ph

Facebook: Dost_pagasa

Twitter: @dost_pagasa

YouTube: DOST-PAGASA Weather Report

 

154

Related posts

Leave a Comment