PAGBAWI SA POLICE POWERS NASA KAMAY NG OMBUDSMAN

ombudsman1

NASA kamay na ng Ombudsman ang pagbawi sa ibinigay na police powers sa 46 na umano’y narco-politicians na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasong administratibo ang kinakaharap ng mga lokal na opisyal sa pagkakasangkot umano sa illegal na droga.

Gayunman, inamin ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala pa silang sapat na basehan para sampahan ng kasong kriminal ang mga ito.

Ayon kay PNP spokesperson, S/Supt. Bernard Banac, ngayong nakasampa na ang kaso, ang Ombudsman na ang magpapatawag sa 46 politicians na kabilang sa narco-list.

Hinihintay lamang umano ng PNP ang aksyon ng Ombudsman at sakaling makakita ng probable cause ay sasampahan na nila ng kasong kriminal ang mga ito.

Sa ngayon patuloy ang pangangalap ng PNP at PDEA ng mga ebidensiya laban sa mga politikong sangkot sa iligal na droga.

Aniya, nabawasan ang pangalan ng mga pulitiko na nasa narco-list dahil sumailalim ito sa matinding validation process.

77

Related posts

Leave a Comment