PAGBUO NG CITIZEN SERVICE CORPS, ISINUSULONG 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senador Koko Pimentel na tuluyang isabatas ang pagkakaroon ng Citizen Service Training Course at magtatag ng Citizen Service Corps upang may mga sibilyang makatutuwang ang uniformed service sa panahon ng mga emergency.

Sa kanyang Senate Bill 1176, isinusulong din ni Pimentel ang pagtatayo ng Citizen Service Mobilization Commission at paglalaan ng P50 milyon mula sa Presidential Social Fund bilang paunang pondo.

Ipinaliwanag ni Pimentel na alinsunod sa Konstitusyon, may kapangyarihan ang gobyerno na hilingin ang pagpasok ng mga sibilyan sa personal military at civil sevice habang mandayo ng Armed Forces of the Philippines na magkaroon ng reserve force na sasalang sa military training.

Kinikilala rin sa Saligang Batas ang kahalagahan ng papel ng kabataan sa nation-building at hinihikayat silang magkaroon ng patriotism at nationalism sa pamamagitan ng pagpasok sa public at civic affairs.

Binigyang-diin ni Pimentel na sa pamamagitan ng panukala, bubuo ang gobyerno ng comprehensive framework para sa

training at mobilization ng kabataan alinsunod sa frameworks ng national and external defense, law enforcement, peace and order at national disaster risk reduction and management.

Nakasaad sa panukala ang pagkakaroon ng Citizen Service Training Course (CSTC) bilang mandatory sa lahat ng tertiary-level students sa baccalaureate degree courses o technical vocational courses sa lahat ng public at private colleges.

Ang mga magtatapos sa CSTS ang bubuo sa Citizen Service Corps, na civilian in character subalit maaaring maging malakas na military componentna handa para sa rapid mobilization sa panahon ng national at local emergencies and contingencies, at maging sa external and internal threats sa national security.

 

138

Related posts

Leave a Comment