PAGDAMI NG DAYUHANG DOKTOR IIMBESTIGAHAN NG SENADO

gordon12

(NI BETH JULIAN)

MAKABUBUTING imbestigahan kung bakit dumarami ngayon ang mga dayuhang doktor na nagpa-practice ng medisina sa Pilipinas.

Ito ang pagsang-ayon ng Malacanang sa ikinakasang pagdinig ng Senado sa usapin, partikular si Senator Richard Gordon, chair ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinasabing nakatanggap ng impornasyon si Gordon na nagsabing mayroon isang organisasyon ang umano’y nagdadala ng mga dayuhang doktor sa bansa.

Karamihan sa mga nasabing dayuhang doktor ay pawang mga Pakistani at Nepalis na tumatayong medical consultant sa ilang ospital ng gobyerno sa mga urban areas kahit hindi pa matiyak kung aprubado ito o mayroon bang supervision ang mga Pilipinong doktor sa kanilang ginagawa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, marapat lamang na malaman ang ugat ng ganitong pangyayari.

Gayunman, sinabi ni Panelo na posibleng ito ay isang paraan din sa pagpuno sa kakapusan ng mga Pilipinong doktor sa bansa na pawang mga nag-aabroad kaya ang mga dayuhang doktor ang tinatanggap para maglingkod sa ating mga kababayan sa malalayong lugar o liblib na lugar.

 

210

Related posts

Leave a Comment