PAGDAMI NG FOREIGN VESSELS BUBUSISIIN NG AFP

chinese fishing vessels12

(NI BETH JULIAN)

IPINASA ng Malacanang sa AFP Western Command ang responsibilidad na imbestigahan ang muling pagdami umano ng mga foreign fishing vessels sa mga baybaying dagat ng bansa.

Kasunod ito ng report ng grupong Karagatang Patrol na nagsasabing mula 2012 dumami na ang commercial fishing vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat busisiin ng Western Command ang report na ito.

Sinabing base sa monitoring ng Karagatan Patrol, gamit ang visible interest imaging radio meter switch ay patuloy na namamataan sa mga baybaying dagat ng Pilipinas ang mga  bangkang pangisda na galing mula sa China, Vietnam at Taiwan.

Nangangamba ang grupo na makaapekto sa marine resources ng bansa ang nagkalat na fishing vessels ng mga dayuhang bansa sa ating mga karagatan o pagkawasak ng coral reef.

Gayunpaman, sinabi ni Panelo na kailangan i-validate pa rin ng gobyerno ang report na ito.

146

Related posts

Leave a Comment