(NI ABBY MENDOZA)
KASABAY ng mga naitatalang aksidente sa paggamit ng vape o e-cigarette at ang masamang epekto nito sa kalusugan, isang panukala ang inihain sa Kamara na naglalayong i-regulate ang paggamit nito.
Sa House Bill 5099 na inihain ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, ang lahat ng mga electronic nicotine delivery systems, electronic non-nicotine systems, heat-not-burn devces at e-cigarettes ay isinusulong na i-regulate na ng pamahalaan.
Target ng gagawing pag-regulate sa vape ang maprotektahan ang mga users at ang publiko sa kabuuan.
Sinabi ni Garin na sa oras na maisabatas ang pag-regulate sa vape ay kasunod na nito ang pagbalangkas ng mga polisiya upang matiyak na mapoproteksyunan ang non smokers lalo na ang mga menor de edad.
168