(NI NOEL ABUEL)
KINASTIGO ni Senador Leila de Lima ang patuloy na pagbabalewala ng video-sharing website YouTube sa nagkalat na fake videos at fake news.
Ayon kay Senador Leila de Lima, mistulang nagagamit ang nasabing video-sharing website para makapagpakalat ng mga pekeng videos at pekeng balita kung saan dapat na umanong kumilos ang Google Philippines para masawata ito.
“YouTube has been instrumental in the spread of fake news because it became a convenient space for fake news purveyors to spread false content to further their own personal and political agendas,” sabi ni De Lima.
Inihalimbawa pa nito na sa kasalukuyan ay nasa 100 fake news na may kaugnayan dito ang hindi pa inaalis ng You Tube sa kabila ng makailang beses na apela ng opisina nito na alisin ang mga nasabing pekeng videos.
“I am just among the many victims of fake news populating Youtube. To date, there are at least 115 fake videos about me monitored and reported by my Senate staff, but given the malignant spread of fake clips in the website, there could be more of these being uploaded that we are not yet aware of,” dagdag pa nito.
Apela ni De Lima sa Google Philippines na simulan nang alisin ang mga fake videos sa website ng You Tube.
“Google PH needs to recognize that it is instrumental in winning the global fight against fake news and the stop of the propagation of hate in its platform. They cannot turn a blind eye on this issue,” sabi pa nito.
142