(NI NOEL ABUEL)
HINDI sang-ayon si Senador Bong Go sa panawagan ng isang kongresista na gumamit ng public transport ang mga opisyal ng pamahalaan tuwing araw ng Lunes.
Giit ni Go, sa halip na makabuti ay baka mas lalong magdulot aniya ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang ililikha nito.
Ipinaliwanag pa ng senador na dapat ikonsidera ng lahat na hindi maiiwasan na malalagay sa alanganin ang seguridad ng mga opisyal ng pamahalaan sakaling sumakay ito sa mga pampublikong sasakyan.
Idinagdag pa ni Go na payag naman itong sumakay na lamang ito ng motorsiklo at nagbirong iaangkas nito si Iligan City Rep. Frederick Siao at si Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
“Hindi naman natin maiiwasan na malagay sa alanganin ang seguridad ng mga opisyales ng pamahalaan kung sasakay sa pampublikong sasakyan. Batid naman namin ang problema sa transportasyon,” aniya.
164