PAGKUHA NG TUBIG SA LAGUNA LAKE SUPORTADO NG DENR

(NI DAHLIA S. ANIN)

SUPORTADO umano ni Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang paggamit sa Laguna Lake bilang isa sa mga pagkukunan ng suplay ng tubig ng Metro Manila.

Ito ay upang maiwasan umano ang water shortage na naranasan ng Metro Manila dahil sa pagbaba ng tubig sa Angat dam.

Ayon kay Cimatu, ang pagtaas ng populasyon sa Metro Manila, ang dahilan kung bakit mas tumaas pa ang demand ng tubig dito.

“Dumami na ang populasyon ng Metro Manila, kaya yung basis ng computation before for available water of Angat dam is medyo umakyat na. Mabilis ang increase ng population,” ani Cimatu sa House budget hearing para sa budget ng DENR sa 2020.

“Ito po yung nagkulang, kaya very vital po itong long term plan natin. It’s either coming from dams or utilization of Laguna Lake. I am supporting the use of Laguna Lake as one of the sources of water for Metro Manila,” dagdag pa ni Cimatu.

Ayon naman kay Laguna Lake Development Authority (LLDA) Jaime Medina, ginagamit na ito ng mga water concessionaires bilang water source.

Nakakukuha ng 300 million liters per day ang Maynilad Water Services Inc., habang 100 million liters naman ang sa Manila Water.

“Three percent of the total na ang nakukuha ng mga concessionaires,” ayon kay Medina.

Matapos ang isinagawang pag aaral, maari pang magsuplay ng tubig ang Laguna Lake sa Metro Manila ngunit kailangan nang dumaan ang lake sa dredging at rehabilitation, dagdag pa ni Medina.

Ang kasalukuyang water quality umano ng lawa ay para lamang sa fishery.

Handa naman umanong suportahan ng LLDA ang dredging upang mapalalim at mapalawak pa ang volume na kayang maimbak sa Laguna Lake.

“Para magkaroon ng massive dredging, rehabilitation and clean up, we would need fund for that and ready po ng Laguna Lake para makatulong sa water crisis,” dagdag pa ni Medina.

221

Related posts

Leave a Comment