(NI BERNARD TAGUINOD)
“ARE there no more honest policemen anymore?”
Ito ang katanungan ni militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya na lamang ang mamumuno sa Philippine National Police (PNP) dahil wala siyang mapiling kapalit ni dating PNP Chief Oscar Albayalde.
Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, masamang pangitain ang planong ito ni Duterte dahil tila mismong siya ay hindi na nagtitiwala sa mga miyembro ng Pambansang Pulisya.
Natatakot din ang grupo ni Gaite na posibleng lalala pa ang human rights violations kapag si Duterte ang mamuno mismo sa PNP lalo na sa giyera kontra ilegal na droga at sa hanay ng kanyang mga kritiko.
“If Pres. Duterte handles the PNP then we will surely be in for the worse. Duterte has always been in command of the killings, attacks against government critics, and violations of human rights. Considering his authoritarianism and megalomania, it is unsurprising that he is putting himself forward as new Chief of Police, but we will oppose this move towards the full realization of his despotic dreams,” ayon pa kay Gaite.
Sinabi naman ni Rep. Eufemia Cullamat na masamang indikasyon ito na hindi lamang ang mga mamamayan ang mismong ang nawawalan ng tiwala sa mga pulis kundi si Duterte na mismo.
INSULTO, MAGBUBUNGA NG DEMORALISASYON
Ayon naman kay ACT party-list Rep. France Castro, insulto umano sa mga miyembro ng PNP ang planong ito ni Duterte at posibleng maging dahilan ng demoralisyon sa kanilang hanay.
“This an insult to the OIC PNP chief and other candidates. Pagpapakita na ba ito ng kawalan ng tiwala ni Pres Duterte sa organisasyon na madalas at walang tigil na nasasangkot sa krimen at katiwalian. This might also result to demoralization to the PNP,” ani Castro.
Naging prayoridad ni Duterte ang PNP nang maupo ito kaya dinoble agad nito ang sahod ng mga pulis subalit hindi naitago ng Pangulo ang pagkadismaya nang mabuko na mga tauhan ni Albayalde ang mga ninja cops sa Pampanga bago natapos ang kanyang termino.
137