PAGTAAS NG ATM FEES SA 58-M CARDHOLDERS KOKONTRAHIN KAMARA

atm55

(NI BERNARD TAGUINOD)

INAABATAN ng isang mambabatas ang nakatakdang pagtataas umano ng Automated Teller Machine (ATM) fees dahil kung hindi ay susuka ng doble ang may 58 million cardholders sa bansa.

Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., kailangang makialam na ang Kongreso bago pa man ipatupad ng mga bangko ang ATM fees hikes matapos tanggalin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang freeze order sa pagtataas ng singil sa paggamit ng ATM.

“We are worried that the forthcoming increases in ATM charges might harm consumers – the nation’s more than 58 million ATM cardholders, “ ayon sa mambabatas kaya nagpatawag ito ng imbestigasyon sa Kamara.

Sa ngayon aanya ay nagkakaltas ang mga bangko ng P10 hanggang P15 sa bawat interbank withdrawal transaction at P2 naman kapag nagbalance inquiry lamang at  mas malaki kapag sa ATM ng ibang bangko.

“These charges could jump to as much as P15 to P30 per single interbank withdrawal, possibly even higher, with the removal of the moratorium,” ayon pa sa mambabatas.

Napakalaking halaga na aniya ito sa mga ordinaryong manggagawa na nagwi-withdraw ng kanilang sahod sa ATM dalawa hanggang apat na beses kada buwan.

“Even more vulnerable are our estimated 4.1 million minimum wage earners. Many of them receive and withdraw their salaries twice a month through their ATM cards at the machine nearest them,” ani Campos.

Dahil dito, dapat aniyang pigilan ang posibleng pagdoble ng ATM fees lalo na’t hindi naman umano nalulugi ang mga bangko sa serbisyong ito dahil umaabot sa 58 million ang kanilang kliyente.

Hindi sinabi ng mambabatas kung magkano ang taunang kita ng mga bangko sa mga ATM card holders subalit inaasahan na malaki aniya ito dahil halos lahat ng mga tao ay gumagamit na ng ATM.

134

Related posts

Leave a Comment