PAGTAKAS NG MGA AMPATUAN POSIBLE – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI isinaisantabi ni Maguindanao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ang posibilidad na tatakas ang mga pangunahing suspek sa Maguindanao massacre lalo na si Zaldy Ampatuan.

Ginawa ni Mangudadatu ang pangamba matapos muling hilingin ni Zaldy sa Korte na payagan siyang sumailalim sa therapy, rehabilitation at medication matapos umano itong ma-stroke.

Sinabi ng kongresista na hindi siya tutol sa pagpapagamot ni Zaldy subalit kailangang mag-ingat umano ang Korte dahil kapag nakatakas umano ito ay mahirap na itong mahuli.

“My 10-year court battle with this family showed me how devious and calculating they are. Hindi malayong isipin nila ang option na tumakas. Pag nangyari yun, magiging napakahirap na para sa ating kapulisan na mahuli silang muli,” ani Mangudadatu.

Bago nasentensyahan si Zaldy at iba pang Ampatuan at mga tauhan ng mga ito ng habambuhay na pagkakabilanggo noong Disyembre 19, 2019, ay 40 araw ito sa Makati Medical Center.

Ibinalik lamang ito sa kulungan noong Disyembre 18, matapos itong iutos ni Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes para basahan ng sentensya.

Lalong duda si Mangudadatu dahil ihinain umano ang urgent motion ni Zaldy noong Disyembre 23, 2019  para ilipat ito sa New Bilibid Prison (NBP) infirmary  subalit Enero 2, 2020 na ito isinapubliko.

“That alone, raises suspicion. I can only hope that I am wrong for my sake and for the sake of the families who lost their loved ones in the massacre,” ayon pa sa kongresista.

 

232

Related posts

Leave a Comment