PAGTATAYO NG SPECIALTY HOSPITAL SA SENIOR CITIZEN, PINAMAMADALI

HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso na iprayoridad ang panukala para sa pagtatayo ng Philippine Geriatric Medical Center para sa mas maayos na pangangalaga sa kalusugan ng may 10 milyong senior citizen sa bansa.

Sa kasalukuyan, nasa walo ang pending bill para sa pagtatayo ng pagamutan kasama na ang Senate Bill 979 o ang proposed Senior Citizens’ Hospital Act ni Pimentel.

“These pending bills only show that a lot of our colleagues also give urgency to the matter. That’s why we are appealing that we should prioritize this today,” saad ni Pimentel.

Batay sa 2020 report ng Philippine Statistics Authority, umaabot sa 9.22 milyon o 8.5 percent ng populasyon ang senior citizen sa bansa.

Sa pagtaya ng senador, pagdating ng 2030 ay maituturing na aging society na ang Pilipinas kaya’t mas dapat nang isulong ang pagtatayo ng pasilidad.

Sa panukala ni Pimentel, itatatag ang 200-bed Philippine Geriatric Medical Center sa Northern Mindanao na mangangasiwa sa mga programa para sa healthcare services sa nakatatanda, at trainings ng geriatricians, doctors at nurses. (DANG SAMSON-GARCIA)

146

Related posts

Leave a Comment