(NI BETH JULIAN)
KUMPIYANSA ang Malacanang na mas matututukan ngayon ng mga senador ang pagtalakay sa mga nakabimbing panukalang batas na isinusulong ng administrasyong Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo makaraang pumasok sa top 12 ang mayorya ng mga senatoriables na inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Panelo, kung dati ay laging gahol sa panahon ang mga senador para talakayin ang mga priority bill ng administrasyon, ngayon ay malaki na ang tsansa na agad itong mabibigyan pansin ng mga mambabatas.
Giit pa ni Panelo, inilatag na ni Duterte ang lahat ng programa ng gobyerno na nais nitong ipalabas kaya’t hindi na aniya magiging mahirap para sa mga bago at dati nang nakaupong senador.
Batay sa official unofficial tally ng Comelec, pawang mga kaalyadong kandidatong senador ni Duterte ang namayagpag sa Senado kung saan walo sa 12 slot ang nasungkit ng mga pro Duterte habang apat naman ay mga independent candidate.
135