PALASYO KUMAMBYO VS ILLEGAL CHINESE WORKERS

chinese22

KUMAMBYO ang Palasyo sa naunang sinabing hayaang magtrabaho sa bansa ang mga illegal Chinese workers at sa halip ay iniba ang ihip ng hangin at idiniin na mananagot sa batas ang sinumang nagtatrabaho nang illegal sa bansa.

Naunang sinabi ng Pangulo na hindi siya pabor na paalisin ang mga illegal Chinese workers sa bansa sa pangambang gumanti ang bansang China at pauwiin ang may 300,000  Pinoy workers na nagtatrabaho roon.

Sa panayam, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na ipapatupad ang batas sa sinumang Chinese workers na illegal na nagtatrabaho sa bansa, gayundin sa lahat ng ibang nasyonalidad na nagtatrabado rito.

Sa kanyang speech sa Binan City,  Laguna noong Sabado, sinabi ng Pangulo na hindi niya ipadedeport ang mga Chinese workers sa bansa kahit pa illegal na ang paninirahan sa bansa sa pangambang pauuwiin din ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa kanilang bansa.

Nilinaw naman ni Panelo na ang mga Chinese workers na may working permit at sumusunod sa lahat ng batas ay makaaasa ng proteksiyon na ibibigay ng gobyerno sa kanila.

 

152

Related posts

Leave a Comment