PAMAMALAKAD SA ARMM INILIPAT NA SA BTA

murad22

(NI BETH JULIAN)

INILIPAT na ang kapangyarihan at pamamalakad ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) patungo sa bagong tatag na Bangsamoro government na pangungunahan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Martes ng umaga ay isang seremonya ang isinagawa sa pagitan ni outgoing ARMM Governor Mujit Hataman at incoming chief Minister Al Haj Ibrahim.

Dito ay inaasahang mamanahin ng BTA ang sari saring problema ng ARMM lalo pa’t sa naturang rehiyon ay makikita ang ilan sa mahhirap na probinsya sa bansa.

Malaking hamon din ang paghahatid ng serbisyo sa mga liblib na lugar na matagal nang hindi napapansin dahil sa patuloy na giyera sa isyu ng seguridad.

Hindi pa kasama rito ang bantang terorismo na gawa ng Abu Sayaff, Bangsamoro Islamic Freedom Fighter, Jemaiah Islamiah at ang mga dayuhang terorista.

Maituturing ding hamon sa BTA ang pagpapatakbo ng gobyerno gayong hindi naman sila natuto bilang administrador  at kasapi ng MILF ni Ibrahim.

Kamakalawa ng gabi ay naggkaharap at bag usap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at MILF chairman Nur Misuari.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presdiential spokesperson Atty. Salvador Panelo na tumagal lamang ng 15 minuto ang pag uusap ng dalawa.

Ayon kay Panelo, si Pangulong Duterte ang mas maraming sinabi kay Misuari, isa na rito ang paghingi ng paumanhin dahil hindi pa nangyayari ang naipangako nitong maisabatas ang Federalism.

Napag- alaman na pabor si Misuari sa Pederalismo kaysa sa pagsaaabatas ng Bangsamoro Region.

Nagpasalamat din ang Pangulo kay Misuasi sa haba ng pasensya nito.

Sinabi ni Panelo na masusundan pa ang pagkikita ng Pangulo at ni Misuari para mas mapahaba pa ang diskusyon.

Ayon pa kay Panelo, wala naman nabanggit si Pangulo kay Misuari tungkol sa BTA pero wala rin naman ipinarating na reklamo si Misuari sa Pangulo ukol dito.

Una nang lumabas ang ulat na nsgrereklamo si Misuari dahil hindi patas ang bilang ng mga miyembro ng BTA

Gayunman, siniguro naman ni Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez, na pantay pantay ang komposisyon ng BTA.

 

 

178

Related posts

Leave a Comment