PAMBUBUGBOG NG MAG-AMANG GARIN TUTUTUKAN NG PANGULO

PINAGSASAMPA ng kaso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulis na binugbog umano ng mag-amang Iloilo Rep. Oscar ‘Richard’  Garin, Jr at Guimbal Mayor Oscar Garin.

Sa panayam, sinabi ng Pangulo na gusto niyang magkaroon ng desisyon ang pang-aabuso ng mag-amang Garin.

Inatasan ng Pangulo si DILG Secretary Eduardo Ano na tutukan ang pambubugbog ng mag-amang Garin at sampahan ng kaukulang kaso ang mga ito.

Si PO3 Federico Macaya ng Guimbal Municipal Police Station ay pinatawag umano ni Mayor Garin sa Guimbal Public Plaza sa Iloilo at doon ay pinosasan ang pulis, tinutukan ng baril, dinuraan at pinagbantaan.

“Tinitiyak ko. Magsasampa kami ng kaso,” sabi ng Pangulo.

Naglabas na din ng public apology ang mga Garin matapos kumalat ang balita.

4

Related posts

Leave a Comment