DARAGA ISASAILALIM SA COMELEC CONTROL

comelec2000

MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos kay Commission on Elections (COMELEC) chief Sherriff M. Abas na isailalim ang Daraga, Albay sa kanilang kontrol sa eleksiyon.

“Kakatawag ko lang kay chairman (Abas) at inirekomenda ko sa kanya na ilagay sa kanilang kontrol ang Daraga,” sabi ng Pangulo nang bisitahin niya ang lamay ng pinaslang na si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Tiniyak ng Pangulo ang mapayapang pagdaraos ng eleksyon sa kabila ng pagpaslang kay Batocabe, na tatakbo sanang mayor, nang pagbabarilin kasama ang police escort na si Orlando Diaz.

Kinondena rin nito ang mga nasa likod ng pagpaslang. “Maruming mukha ng politika kung saan pinapatay ang kanilang makakalaban,” sabi ng Pangulo.

6

Related posts

Leave a Comment