PAMILYA AMPATUAN NAGPATULONG DIN KAY PANELO

panelo12

HINDI lamang ang pamilya ni convicted rapist-killer Antonio Sanchez ang sumubok na makiusap sa legal na usapin kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na mapalaya sa Bureau of Corrections (BuCor), kundi maging ang pamilya Ampatuan na dawit sa Ampatuan massacre noong 2009.

Lumapit din umano ang Ampatuan family kay Panelo, at iginiit na walang katotohanan ang pagkakadawit ni Datu Saudi Ampatuan Jr. sa krimen.

Nagtungo ang ina nito na si Bai Soraida Biruar-Ampatuan at misis na si Jehan-Jehan Ampatuan-Lepail sa Malacanang para makiusap kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit sa halip ay si Panelo ang humarap sa mga ito.

Si Saudi Jr., dating mayor ng Ampatuan town in Maguindanao, ay isa umano sa dawit sa massacre at nananatiling nakalalaya.

 

128

Related posts

Leave a Comment