PANELO ‘DI NANINIWALA SA BANTA SA MGA PARI

(NI BETH JULIAN)

GAWA-GAWA lamang ang mga pagbabanta sa mga pari.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, matapos kumpirmahin ni Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David na nakatatanggap din ito ng mga pagbabanta sa buhay.

Gayunman, iginiit din ni Panelo na dapat din hindi ito balewalain at kailagan din naman itong imbestigahan para malaman ang katotohanan.

“Dapat ngang imbestigahan yan para malaman kung totoo, pero para sa akin tingin ko gawa gawa lamang yang mga threat na yan,” pahayag ni Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na hindi rin maaaring isisi kay Pangulong Rodrigo Duterte at maging sa mga tagasuporta nito sa mga sinasabing pananakot na tinatanggap ng mga alagad ng Simbahan.

“Yung mga supporters ni Presidente alam na nila yung style ni Presidente kung nagbibiro sya o seryoso eh, kaya nga sinisisi ni Presidente yung mga kritiko kasi pinapangalandakan nila na seryoso si Presidente, nanakot, pero sa katotohnaan alam naman nilang walang katotohanan. Yan ang way o style, lahat naman kami binibiro nya,” paliwanag pa ni Panelo.

161

Related posts

Leave a Comment