SUMBONG SA HOTLINE 8888 MAY PROTOCOL – PALASYO

PLDT1

(NI BETH JULIAN)

MAY sinusunod na protocol para matugunan ng mga kaukulang ahensya ang bawat reklamong tinatanggap ng anti-corruption hotline 8888.

Ayon kay Presidential spokeperson  Atty. Salvador Panelo, ang lahat ng mga reklamong tinatanggap ng hotline 8888 ay ipararating sa mga ahensyang may kaugnayan dito.

Sinabi ni Panelo na hindi lamang pawang may kaugnayan sa katiwalian ang mga tinatanggap na tawag kungdi ay may iba ring usapin.

“Marami ang tumawag kaya mahirap talaga makapasok ang tawag,” pahayag ni Panelo.

Bunsod na palagiang busy ng linya, kailangan nang dagdagan ang linya o trunk line ng hotline para ma-accommodate ang mga tawag at maiparating sa mga kaukulang ahensya ang sumbong.

 

 

 

8

Related posts

Leave a Comment