Pangamba ng mga pamilya ng drug war victims KATARUNGAN MAILAP DIN SA MARCOS JR. ADMIN

(CHRISTIAN DALE)

DUDA ang pamilya ng drug war victims na magkakaroon ng progreso ang kaso na may kinalaman sa kontrobersyal na anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Dahil dito, nanawagan ang mga ito sa International Criminal Court (ICC) na ituloy lamang ang imbestigasyon sa nasabing anti-drug campaign ng nakalipas na administrasyon.

Sa 20-pahinang report na may petsang Mayo 22, sinabi ng ICC na nakatanggap ito ng representasyon na isinatinig ang pananaw at concerns ng 350 individual victims at 165 pamilya kaugnay sa nagpapatuloy na apela sa proceedings.

Ang consultation process sa mga pamilya, isinagawa ng Victims Participation and Reparations Section, natuklasan ng mga ito na “unanimously and strongly urge” ang ICC na ituloy ang Jan. 26 decision kung saan pinapayagan ang prosecutor office ng korte na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa madugong drug campaign.

Ang alegasyon pa ng mga biktima ay nagpapatuloy di umano ang war on drugs sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng ICC, “the victims also rejected the grounds of appeal submitted by the government, raising the need for a “genuine investigation” to obtain justice.

Binigyang diin pa rin ng mga ito na ipinakita lamang ng ahensya ng pamahalaan sa Pilipinas ang pagtutol laban sa tangkang makuha ang pagkilala na ang drug killings ay hindi kontrolado ng batas.

Hinambalos din ng mga pamilya ang mga awtoridad sa mga nakalipas na pahayag ng mga ito na ang mga biktima ay “collateral damage” sa sinasabing police operations.
Nagpahayag din ang mga ito ng pag-aalala para sa kanilang buhay sabay sabing “the police “continue to harass and intimidate victims in their own homes and communities.”

126

Related posts

Leave a Comment