AZURIN ‘DI PA RIN LUSOT SA COVER-UP SA MANILA DRUG HAUL

NILINAW ni Senate committee on public order and dangerous drugs Chairman Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na hindi pa rin lusot si dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. sa sinasabing cover-up sa nasabat na P6.7 billion halaga ng shabu sa Maynila.

Sinabi ni dela rosa na hanggat hindi natatapos ang pagdinig ay hindi pa maituturing na abswelto na si Azurin.

Kasabay nito, kinumpirma ni Dela Rosa na dalawa hanggang tatlong low ranking policemen ang handang magsalita sa susunod na pagdinig ng komite.

Ipinaliwanag ng senador na natatakot na ang mga pulis sa kanilang kinabukasan kaya’t handa nang makipagtulungan ang mga ito.

Samantala, sa pitong mga pulis na nakakulong ngayon sa basement ng Senado dahil sa contempt ay wala pa rin sa kanila ang nag-aabiso na handa nang magsalita.

Dalawang kwarto ngayon ang okupado ng mga ito, sa isang silid ay magkasama ang dalawang PNP officers habang magkakasama sa isa pang kwarto ang 5 patrolman. (DANG SAMSON-GARCIA)

124

Related posts

Leave a Comment