PANGONTRA SA PAG-ABROAD NG PINOY: P650 MINIMUM WAGE IKASA

Kabayan party-list Rep Ron Salo

MATITIGIL ang pag-alis ng mga Filipino para magtrabaho sa ibang bansa kung itataas sa P650 ang daily minimum wage sa bansa.

Ito ang paniniwala ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo kaya muli nitong inihain ang kanyang panukalang batas na gawing P650 ang arawang sahod hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

“More job opportunities must be created in the country so Pinoys don’t have to work abroad. The Filipino would naturally prefer to be close to family and remain in the Philippines. Higher minimum wage would make more Pinoys stay in their hometowns,” ani Salo.

Sinabi ng mambabatas na kaya umaalis ang mga Filipino ay dahil walang mapasukang trabaho sa Pilipinas at bukod sa mababa ang minimum wage na umaabot lamang sa P537 kada araw sa Metro Manila ay mas mababa pa ito sa ibang rehiyon.

Dahil sa sistemang ito aniya, maraming taga-probinsya ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, isinasakripisyo ang pamilya, upang mabigyan lang ng mga ito nang maayos na buhay ang kanilang mga mahal sa buhay.

Bukod dito, laging nanganganib ang buhay ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) tulad ng nangyayari ngayon sa mga kababayan natin na nasa Gitnang Silangan dahil sa girian ng Iran at Amerika. (BERNARD TAGUINOD)

124

Related posts

Leave a Comment