(NI BERNARD TAGUINOD)
MULING iginiit ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbuo ng puwersa na magbabantay sa seguridad ng judges sa buong
bansa.
Ginawa ni Deputy Speaker Johnny Pimentel ang panawagan matapos patayin si Tagudin, Ilocos Sur Regional Trial Court Branch 25 Judge Mario Anacleto Bañez noong Martes.
Ang 54-anyos na si Judge Bañez, ay pauwi na sakay ng kanyang kotse nang tambangan at mapatay sa Barangay Mameltac, San Fernando City, La Union.
“We cannot allow these brazen attacks on judges to go on without a forceful answer,” ani Pimentel kaya dapat aniyang kailangang bagong posisyon upang magbantay sa mga judges.
Nais ni Pimentel na ang bubuing puwersa ay tatawaging “judicial protection officers” na binubuo ng 3,000 armadong security officers na ang taning misyon ay bantayan ang seguridad ng mga huwes.
“Our judges deserve strong protection, considering that they have become increasingly vulnerable to aggression and violence, presumably from disgruntled and hateful litigants,” ayon pa sa kongresista.
Una nang iminungkahi ni Chief Justice Diosdado Peralta na pagbuo ng bagong ‘protective service” katulad ng United States Marshals Service’s (USMS) Judicial Security Division (JSD).
“In America, the USMS’s JSD protects judges and justices, guards court proceedings and conferences, and secures buildings and properties used by members of the judiciary. The division also conducts ‘protective investigations’ of potential security threats to members of the judiciary,” ayon pa kay Pimentel.
278