PASARAP NA OPISYAL SISIBAKIN NI DIGONG

Namumurong masibak ang isang lakwatserong opisyal ng gobyerno makaraang aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na inakala niyang makatutulong ito sa kanyang administrasyon kaya itinalaga, subalit taliwas umano ang ginagawa nito.

Sa kanyang talumpati sa leaders meeting sa 26th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC)  sa Papua New Guinea, inamin ng pangulo sa harap ng Filipino community na ang nasabing opisyal ay nasasangkot sa mga katiwalian.

Kung ilang beses na rin umanong nagtungo sa ibang bansa ang opisyal gamit ang pondo ng pamahalaan.

Dahil sa mga nabanggit na rason kaya napagdesisyunan ng Pangulo na tanggalin niya sa puwesto ang opisyal kahit isa ito sa mga sumuporta noong siya ay kumandidatong mayor ng Davao.

117

Related posts

Leave a Comment