(NI ABBY MENDOZA)
NGAYONG malapit na ang Kapakuhan kung saan maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang inaasahang uuwi ng bansa, umapela ang Departmet of Agriculrure (DA) na iwasan nang mag-uwi ng meat products mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ayon ay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, mas mahigpit na monitoring ang kanilang gagawin sa mga airport para tiyakin na walang makalulusot na mga meat products dahil posibleng kumpiskahin lamang ito pagbaba nila ng eroplano. “Huwag na silang magbitbit. Makukumpiska lang sa mga airport at seaport, especially if dumaan sila sa Hong Kong and China,” ayon kay Reyes.
Samantala, kung ang mga OFWs naman ay galing sa mga bansang hindi apektado ng ASF ay kailangan pa rin nila na magpakita ng sertipikasyon na ASF-free ang kanilang dalang meat products.
165