PBBM NAGTALAGA NG BAGONG PH ENVOY SA JAPAN

ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang dating mambabatas na si  Mylene Garcia-Albano bilang bagong Philippine envoy to Japan.

Sa isang Facebook post ng  state-run Radio Television Malacañang (RTVM), inanunsyo nito na nanumpa sa tungkulin si Garcia-Albano bilang  Philippine Ambassador to Japan sa harap mismo ni Pangulong Marcos.

Ibinahagi rin ng RTVM ang short video clip ng oath-taking rites sa Reception Hall ng Malacañan Palace, araw ng Huwebes.

Bukod kay Garcia-Albano, nanumpa rin sa harap ng Pangulo sina Aileen Anunciacion Zosa bilang Pangulo at chief executive officer ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Olivia “Bong” Coo bilang commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).

“President Ferdinand R. Marcos Jr. administers the oath of office to three government officials in a ceremony at the Reception Hall in Malacañan Palace on August 11, 2022,” ayon sa RTVM.

Si Garcia-Albano ay dating kinatawan ng Davao City 2nd District, habang si Zosa ay nagsilbi bilang BCDA executive vice president at chief operating officer bago pa ang kanyang posisyon.
Sa kabilang dako, ang appointment ni Coo ay unang inanunsyo ng Malakanyang noong nakaraang buwan.

Si Coo ay 5-time Asian games gold medalist, 14-time Asian champion at eight-time Southeast Asian games gold winner. Siya ay miyembro ng  National at International Hall of Fame.
Samantala, nakipagkita naman si Pangulong Marcos kay outgoing Norwegian Ambassador Bjørn Staurset Jahnsen sa Malacañan Palace.

Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang mga larawan niya kasama si Jahnsen na nag- farewell call sa kanya.

“We welcome Norwegian Ambassador Bjørn Staurset Jahnsen for a farewell call in Malacañang as he concludes his tour of duty in the Philippines. We commend Ambassador Jahnsen for his efforts to strengthen bilateral relations between the Philippines and Norway during his stint as envoy,” ayon kay Pangulong Marcos.

Pinag-usapan naman nina Pangulong Marcos at Jahnsen ang  climate change,  Bangsamoro peace process at plano ng  Norway na magdala ng mas maraming  investments sa Pilipinas partikular na ang   renewable energy, ayon sa RTVM sa hiwalay na Facebook post.

Si Jahnsen ay itinalaga bilang  Norway’s ambassador to the Philippines noong 2018. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment