PDU30 SA PUBLIKO: HINDI PA TAPOS ANG LABAN SA COVID-19

PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na panatilihin ang minimum health standards gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.
Aniya, hindi pa tapos ang laban sa COVID-19.

“We are gradually easing restrictions to make way for our economic viability as individuals and as a nation. But it does not mean that we will forget our minimum health standards,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address nitong Lunes.

Sinabi ng Pangulo na hindi pa ito 2nd wave ng COVID-19 kundi malinaw na tumaas lamang ang bilang ng kaso.

Iyon nga lamang aniya ay mas maganda ang record ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa lalo na sa bansang Brazil.

Inamin ng Pangulo na hindi niya mapipigilan ang mga taong gustong-gusto nang lumabas ng bahay subalit kailangan aniyang mag-ingat at huwag sisihin ang pamahalaan kung may mangyayari sa mga ito. (CHRISTIAN DALE)

73

Related posts

Leave a Comment