PEDERALISMO ‘DI PA PATAY – PALASYO

panelo12

(NI BETH JULIAN)

HINDI pa nangyayari at maituturing na patay na hakbang ang usapin sa Pederalismo.

Ayon kay Presidential spokesperspon  Atty. Salvador Panelo, maaaring may mga bagong senador na pumasok sa susunod na Kongreso na magsusulong ng Federalism.

Dahil dito, sinabi ni Panelo na posible pang magbago ang ihip ng hangin lalo na kapag nagpalit na ng liderato sa Senado.

Nabuhay ang usapin sa Pederalismo matapos mismong ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbantang magdedeklara ng giyera sa gobyerno si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari kapag hindi naipatupad ang Pederalismo.

91

Related posts

Leave a Comment