MATAPOS makalaya dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento, iniutos ni President Rodrigo Duterte ang muling pagdakip sa suspect sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan na ang bangkay ay tinadtad ng saksak, tinalupan ng mukha at tinanggalan ng lamang-loob.
Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban campaign rally sa Koronadal City, South Cotabato, sinabi ng Pangulo na tinawagan niya ang prosecutor na nag-utos palayain ang 17-anyos na suspect at inutusang bawiin ang desisyon at muli itong ipaaresto.
Pinalaya ng social welfare department ang suspect dahil hindi umano balido ang pagkakaaresto rito ng National Bureau of Investigation dahil sa kawalan ng warrant.
“Hindi ako papayag na ganunin ang bata. Binalatan mo ang bata tapos palalayain lang ang gumawa ,” sabi ni Duterte.
2106